Sa programang “Magandang Gabi Dok” ng DZMM, ipinahayag ng pulmonologist na si Dr. Imee Mateo na nakakabahala ang dami ng naninigarilyo sa Pilipinas na maaaring mauwi sa lung cancer.
Aniya, isa sa tatlong Pinoy ay naninigarilyo.
“Mataas ang incident, halos 30-35% ay smoker ng population, ‘yung adult. Tapos sa mga bata, ‘yung mga teenagers, still increasing, mga ages 13-15. Ang taas na rin ng incident ng smoking, as early as 9 or 11, may mga smokers na talaga, hooked to smoking.”
Paliwanag ni Mateo, hindi lang first-hand smoker ang maaaring magkaroon ng lung cancer. Bagkus, mas malaki ang tsansa ng mga second-hand smoker.
“A second-hand smoker [develops] 20 times [the] risk of developing cancer. Na-mix na siya sa ibang chemicals in the ambient air. Ang second-hand smoke ay pwede ring mag-cause ng cancer sa apdo.”
Dagdag pa ng doktor, mayroon ding tinatawag na third-hand smoke kung saan may naiiwang latak sa paligid na hindi nakikita.
Ani Mateo, mas delikado rito ang mga bata.
“Kaya ‘yung mga bata mas at risk sila sa third-hand smoke kasi mas mabababa sila, mas expose sila sa surface and mind you these chemicals, hindi 'yan nawawala ng pahid-pahid lang.”
Ayon kay Mateo, kadalasang sintomas ng lung cancer ay ang chronic cough. Minsan din ay pag-ubo na may kasamang dugo o hemoptysis.
Upang maagapan ang lung cancer, paaalala ni Mateo na agad komunsulta sa doktor kapag iba na ang nararamdaman.
“Depende rin sa type of cancer. Kasi may dalawang major types, ‘yung small cell cancer or small cell carcinoma, pwedeng chemotherapy plus radiotherapy. Right now, dati ‘pag sinabi mong chemo, sa ugat. Ngayon 'yung latest generation na chemo pwedeng oral na, tableta. ‘Pag naman non-small cell carcinoma, pwedeng surgery plus adjuvant or sabay na chemotherapy.”
E-cigarette: Ligtas o hindi?
Pinabulaanan naman ni Mateo na ang electronic cigarette (e-cigarette) ay ligtas at walang chemical content.
Aniya, marami sa mga ito ay hindi nagsasabi kung ano talaga ang lamang kemikal ng isang e-cigarette.
“Ang dami doon sa e-cigarette na, they do not declare true content of that e-cigarette kasi part of it is liquid nicotine pa nga so liquid nicotine is higher in content. Some would declare. Hindi natin sinasabi na lahat.”
“Hindi lang ung nicotine ang laman no’n. Meron ding chemical that would make it burn or produce smoke which is not really safe for human consumption.”
Apela ni Mateo, itigil na ang paninigarilyo.

"Now if you are a smoker, it's never too late to stop; there's still hope.”
Post a Comment